^

Metro

Utak sa Albano slay, tukoy na

-
Patuloy ang isinasagawang malalimang imbestigasyon sa kasong pagpaslang kay Ilagan, Isabela Mayor Delfinito Albano sa Quezon City noong Martes ng gabi.

"Iba’t ibang anggulo ang aming binibigyang pansin, anggulo sa pulitika, sa negosyo at personal," ayon sa isang imbestigador.

Gayunman, sinabi ng isang source ng PSN na tukoy na at kilala na ng pulisya ang utak at sangkot sa pagpaslang sa Mayor.

Kumakalap pa lamang sila ng sapat pang ebidensiya para tuluyan itong dakpin, pero mayroon na silang hawak na matinding lead sa kaso.

Sa kabila na sinasabi ng pulisya na iba’t ibang anggulo ang sinisiyasat, sinabi ng source na mas lamang sa motibong peronal ang dahilan ng pagpaslang kay Mayor Albano.

Matindi ang galit nito kay Mayor hindi sa ano pa man, personal ang dahilan at dahil sa dami ng tama na tinamo ng Alkalde ipinakikita nito ang matindi niyang galit.

Ang lead ng pulisya ay nag-ugat sa mga tinanggap na text messages na nakita sa cellphone ng Alkalde bago ito napatay.

Lumalabas na sinet-up ang Mayor.

Isang tao umano ang nag-text sa biktima at pinapunta ito sa Villa Estela Bar and Restaurant sa Quezon City, dahil sa hindi mahindian ng Alkalde ang nag-text dali-dali itong nagpu

nta sa lugar kahit na nga nakapantulog na ito.

Ito rin ang dahilan kaya hindi ito nagsama ng bodyguard at siya mismo ang nagmaneho sa kanyang Isuzu Tropper na sasakyan.

"Nagsisiguro lang kami, para hindi mapurnada ang follow-up operation, pero tumbok na ang kaso," dagdag pa ng source.

Bagamat alam na ang pangalan ng utak ay tumanggi ang source na tukuyin ito para hindi makabalam sa isinasagawang imbestigasyon.

Matataas na kalibre ng baril ang ginamit sa pagpaslang sa alkalde at posible umanong may konektado ito sa PNP o di kaya ay sa AFP. (Jo Abelgas at Angie dela Cruz)

vuukle comment

ALKALDE

ANGIE

BAGAMAT

ISABELA MAYOR DELFINITO ALBANO

ISUZU TROPPER

JO ABELGAS

MAYOR ALBANO

QUEZON CITY

VILLA ESTELA BAR AND RESTAURANT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with