^

Metro

P5-M bigay ni SB sa matatanda sa QC

-
Upang higit na mapangalagaan at maprotektahan ang kapakanan ng mga matatanda o mga senior citizen sa Quezon City, nagkaloob si QC Mayor Feliciano "SB" Belmonte Jr. ng limang milyong pondo para sa mga ito.

Ang naturang pondo ay personal na inabot ni SB kay QC Senior Citizens Cooperative Executive Board ret. judge Graciano Gayapa Jr. sa isang seremonya sa QC hall.

Binigyang diin ni SB na ang naturang hakbang ay isang living testimony ng pamahalaang lungsod para suportahan ang kalagayan ng mga matatanda para maipagpatuloy ang kanilang pagiging competitive, useful at productive.

Pangunahing popondohan ng naturang kooperatiba ay ang QC Senior Citizens Cooperative Pharmacy and Convenience Store, ang tanging proyektong isinasagawa sa isang lokal na pamahalaan sa buong bansa.

Ang QC Office for Senior Citizens Affairs (OSCA) ang mangangasiwa sa naturang proyekto. (Angie dela Cruz)

ANGIE

BELMONTE JR.

BINIGYANG

CRUZ

GRACIANO GAYAPA JR.

MAYOR FELICIANO

QUEZON CITY

SENIOR CITIZENS AFFAIRS

SENIOR CITIZENS COOPERATIVE EXECUTIVE BOARD

SENIOR CITIZENS COOPERATIVE PHARMACY AND CONVENIENCE STORE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with