^

Metro

2 dalaga todas sa truck

-
Dalawang dalaga ang kapwa nasawi makaraang mahagip ng rumaragasang truck habang tumatawid sa ilalim ng pedestrian fly-over sa C-5 Road sa Taguig City, kahapon ng hatinggabi.

Namatay habang ginagamot sa Rizal Medical Center ang mga biktimang sina Jonah Riza Bondoc, 20, ng Molave St. Tondo, Maynila at Rhea Ann Baldorado, 20, ng 13 Amihan St., Brgy. Ususan, Taguig City.

Sumuko naman sa pulisya ang suspect na si Alex Obregon, 35, ng Multinational Village, Parañaque City. Nahaharap ito sa kasong reckless imprudence resulting to double homicide.

Base sa isinagawang imbestigasyon ni SPO2 Pedro Sententa, ng Taguig City Traffic Enforcement Unit, naganap ang insidente dakong alas- 12:15 ng hatinggabi sa ilalim ng flyover sa kahabaan ng C-5 Road, South bound sa harapan ng Diego Silang Village, Brgy. Western Bicutan ng nabanggit na lungsod. Habang tumatawid ang mga biktima ay hindi namalayan ng mga ito ang rumaragasang Isuzu Elf na may plakang WEG-731 na pag-aari ng Champion Builders Supply at minamaneho ni Obregon.

Huli na bago nakontrol ni Obregon ang preno ng sasakyan kaya nahagip nito ang dalawang biktima. Siya rin ang nagsugod sa dalawang dalaga sa pagamutan subalit binawian rin ng buhay. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ALEX OBREGON

AMIHAN ST.

BRGY

CHAMPION BUILDERS SUPPLY

DIEGO SILANG VILLAGE

ISUZU ELF

JONAH RIZA BONDOC

LORDETH BONILLA

MOLAVE ST. TONDO

TAGUIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with