Personal hindi pulitika ang motibo sa pagpaslang kay Mayor Albano

Kilala na ng pulisya ang utak sa pagpaslang kay Mayor Delfinito Albano ng Ilagan, Isabela.

Lumalabas sa paunang pagsisiyasat na personal at hindi pulitika ang motibo sa isinagawang pagpaslang.

Base sa nakalap na ulat, pinaniniwalaang sinet-up si Mayor Albano kung kaya lumabas ito ng bahay ng nag-iisa kahit ito ay nakapantulog na.

May malaking kinalaman din ang mga messages na nakuha sa cellphone ng Mayor kung kaya nagkaroon ng lead ang pulisya.

Kilala na ng mga awtoridad ang mga taong sangkot sa krimen subalit humiling muna sila na huwag ibunyag ang pangalan ng mga ito. (Jo Abelgas)

Show comments