^

Metro

2 miyembro ng gun running syndicate, arestado

-
Natimbog ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang miyembro ng isang sindikato na nagsu-supply ng mga baril sa mga robbery group at mga kabataang gangsters sa Sampaloc, Maynila.

Kinilala ni NBI Acting Director Atty. Nestor Mantaring ang mga suspect na sina Salvador Morante, alyas Buds at Reynaldo Marzan, alyas Rey, kapwa residente ng 217 Cristobal St., Sampaloc, Manila.

Nabatid na nadiskubre ang presensiya ng naturang sindikato matapos na ibulgar ng isang miyembro ng isang robbery gang sa NBI-National Capital Region na bumibili sila ng kanilang mga armas kina Morante at Marzan.

Sinabi ng mga ito na ang mga grupo ng Bahala Na Gang (BNG) at Sputnik Gang maging ang mga magkakalabang gangster ng mga kabataan sa Maynila tulad ng True Brown Style (TBS), Charlie Brown, Sandugo at Familia Verde ay kumukuha rin sa kanila ng armas.

Nabatid na marami nang kabataan na miyembro at maging mga ordinaryong residente lamang ang nasasawi sa nagaganap na gang war ng naturang mga grupo sa Tondo, Sampaloc, Paco at Malate, Maynila.

Unang nagsagawa ng test buy ang isang ahente ng NBI kasama ang informant sa Point Blank gun repair shop sa Cristobal St., Sampaloc, Maynila kung saan nakabili sila ng dalawang Magnum .22 handgun. Nakipagnegosasyon pa ang ahente na makabili ng lima pang Magnum .22, dalawang .38 revolver at isang kalibre .45 na may kabuuang halaga na P50,000.

Dito na nahulog sa patibong ang mga suspect at tuluyang nadakip.

Inamin naman ng dalawa na karamihan sa kanilang mga kostumer ay mga holdaper, sindikato at mga gangster. Binanggit pa ng mga ito na kinukuha nila ang mga ibinebentang baril sa Cebu at sa mga nagpapabenta ng personal na baril. Kaya rin umano nilang mag-supply ng mga long firearms kung sapat ang presyo. (Danilo Garcia)

vuukle comment

ACTING DIRECTOR ATTY

BAHALA NA GANG

CHARLIE BROWN

CRISTOBAL ST.

DANILO GARCIA

FAMILIA VERDE

MAYNILA

NABATID

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with