Miyembro ng task force, inatado
June 26, 2006 | 12:00am
Namatay noon din sa pinangyarihan ng insidente ang isang miyembro ng Monitoring Task Force Group (MTFG), matapos na mapag-tripan ito at ataduhin ng saksak ng dalawang hindi nakikilalang kalalakihan, kahapon ng madaling-araw sa Malabon City. Kinilala ang biktima sa pamamagitan ng kanyang identification card na si Dodie Mendez, miyembro ng MTFG ng Santolan, Pasig City na nagtamo ng tama ng mga saksak sa ibat ibang parte ng kanyang katawan. Sa salaysay ng saksing si Joel Agcol, 21, residente ng Bignay St., Potrero, Malabon, alas-3 ng madaling-araw nang marinig niya ang paghingi ng saklolo ng biktima. Inabutan pa umano nito na pinagsasaksak ng mga suspect ang biktima sa isang bakanteng lote sa Industrial Road at Waling-Waling. Agad namang tumakas ang mga suspect nang makita si Agcol at ang mga paparating na barangay tanod, habang duguan at walang buhay na nakalugmok ang biktima. (Rose Tamayo-Tesoro)
Kasalukuyang pinaghahanap ngayon ng pulisya ang tatlong mga high school students na bumaril at nakapatay sa isang lalaki na ikinasugat naman ng isang policewoman, kamakalawa ng gabi sa Taguig City. Kinilala ng pulisya ang mga suspect na sina Gilbert Garbo, 16; Richard Panustan, 18 at Julio Perez, 24, mga estudyante ng Western Bicutan National High School. Dakong alas-11 ng gabi nang pagbabarilin umano ng mga suspect si Robie Pacres, residente ng PNR Site, East Service Road na nagtamo ng maraming tama ng bala mula sa hindi nabatid na kalibre ng baril, dahilan upang agad itong masawi. Nagtamo din ng maraming tama ng bala ang policewoman na si PO2 Jane Bulusan, nakatalaga sa Camp Crame. Napagkamalan umano ng mga suspect na miyembro ng kalabang frat ang nasawi kung kayat agad na pinagbabaril nila ito, habang si Bulusan naman na naroon sa pinangyarihan ng insidente ay tinamaan din. (Lordeth Bonilla)
Umapela kahapon sa pamunuan ng Manila Police District (MPD), ang pamilya ng Tsinay na pinaslang ng mga hindi nakikilalang mga suspect sa Quiapo para sa mabilisang imbestigasyon ng kaso dahil sa pangambang sila ang susunod na papatayin ng mga suspect makaraang makatanggap ang mga ito ng "death threat." Hiniling ni Domingo Go, asawa ng biktimang si Tan Beng, kay MPD-Homicide Section commander, C/Insp. Alejandro Yangquiling na gawing mabilisan ang imbestigasyon matapos na matukoy na isang grupo ng mga holdaper na Muslim ang pumaslang sa biktima. Matatandaan na pinaslang ng nag-iisang "hitman" si Tan Beng noong Hunyo 20, 2006 na binaril ng malapitan sa kanyang ulo habang ito ay nagbabantay sa kanilang electronics shop sa Quezon Blvd., Quiapo. (Danilo Garcia)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest