^

Metro

Bangka lumubog: 1 patay, 2 missing

-
Isa katao ang kumpirmadong nasawi, habang dalawa pa ang nawawala makaraang aksidenteng lumubog ang isang bangkang-de-motor nang balyahin ito ng malakas na hangin at alon dulot ng bagyong "Domeng", kamakalawa sa San Bernardino Strait sa pagitan ng Samar at Sorsogon, ayon sa ulat kahapon ng Office of Civil Defense at Philippine Coast Guard.

Gayunman, kasalukuyan pang inaalam ng mga kinauukulan ang pagkakakilanlan ng nasawing biktima at ng dalawa pang nawawala.

Umaabot naman sa 12 katao ang nailigtas sa nasabing sakuna sa dagat na ngayon ay isinasailalim sa gamutan sa isang ospital sa Northern Samar.

Nabatid na dakong alas-10 noong Sabado nang lumayag ang sinakyang bangka ng mga biktima na M/V Blight at lumilitaw sa imbestigasyon na wala itong kaukulang clearance na makapaglayag mula sa PCG.

Lumagpas din umano sa limitasyon ng timbang ng mga bagahe ang nasabing bangka na naglalaman rin ng mga saku-sakong semento dahilan upang mabilis na lumubog ito.

Napag-alaman na ang nasawing biktima ay tumilapon mula sa bangka nang hagupitin ito ng magkahalong malakas na hangin at dambuhalang alon.

Dahil dito, nagpalabas na ang PCG ng kautusan na nagbabawal sa paglalayag ng mga barko na may 1,000 tonelada pababa sa mga lugar na nakataas ang typhoon signal number 1 at pagbabawal naman sa 2,000 pababa na mga barko sa mga lugar na nasa signal number 2.

Patuloy rin ang isinasagawang pagmamanman ng PCG sa mga pier at karagatan at nakatakda namang kasuhan ng kriminal ang sinuman na lalabag sa kautusan dahil sa paglalagay sa panganib ng buhay ng kanilang mga pasahero. (Joy Cantos at Danilo Garcia)

DAHIL

DANILO GARCIA

DOMENG

JOY CANTOS

NORTHERN SAMAR

OFFICE OF CIVIL DEFENSE

PHILIPPINE COAST GUARD

SAN BERNARDINO STRAIT

V BLIGHT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with