Pekeng LPG, nasamsam
June 25, 2006 | 12:00am
Nasamsam ng National Bureau of Investigation (NBI), ang 198 tangke ng Liquified Petroleum Gas at Superkalan, pati na ang dalawang delivery trucks na nagkakahalaga ng P1.2 milyon sa isinagawang magkasunod na raid sa Muntinlupa, Cainta at Antipolo City.
Ang ginawang pagsalakay ng NBI ay bunsod ng isinumiteng reklamo ng Petron Corporations, Pilipinas Shell Corporation at Superkalan Gaz Corporation.
Malaki umano ang nalulugi ng mga nababanggit na kompanya dahil sa pamemeke ng ibang mga LPG dealers sa kanilang mga produkto, bukod pa sa lubhang napaka-delikado umano ng mga ito na kusang sumasabog.
Sinalakay ang ibat ibang establisimento sa mga nabanggit na lugar na nagtitinda ng mga pekeng LPG sa bisa ng search warrant na inisyu ni Manila Regional Trial Court Branch 24 Judge Antonio Eugenio Jr. (Grace Amargo-dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended