Barangay hall sa Caloocan, binomba
June 25, 2006 | 12:00am
Pinasabugan ng bomba ng hindi nakikilalang suspect ang isang barangay hall, kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City, dahilan upang halos gumuho ang nasabing gusali na nagresulta naman ng matinding pangamba sa mga residente sa nabanggit na lungsod.
Sa panayam kay P/Chief Insp. Jose Ramirez Valencia, hepe ng Station Investigation Branch (SID) ng Caloocan City Police, dakong alas-2 ng madaling-araw nang hagisan ng isang hindi nakikilalang suspect ng bomba ang tanggapan ng Barangay 175 na matatagpuan sa panulukan ng Camia at Gumamela St., Camarin, nabanggit na lungsod.
Lumalabas sa isinagawang ocular inspection ng Northern Police District-Scene of the Crime Operation (NPD-SOCO), inihagis ang nasabing bomba sa likurang bahagi ng gusali sa mismong tanggapan ni Brgy. 175 chairman Alfredo Estrella. May posibilidad umano na mismong si Estrella ang target na pasabugan ng suspect sa akalang nasa loob ng kanyang tanggapan ang una na maswerte namang wala roon nang mangyari ang insidente.
May teorya naman ang pulisya na may kulay pulitika ang nasabing insidente at maaaring lumala ito kapag hindi naagapan na ipinangangamba naman ng mga residente dito.
Isang home-made bomb ang ginamit ng suspect na sadyang ginawa na may malakas na sangkap ng pampasabog at may kapasidad magpaguho ng pader o maliit na gusali.
Wala namang iniulat na nasawi o nasaktan sa nasabing pagsabog at habang isinusulat ang balitang ito ay patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang pagkakakilanlan ng suspect at ang motibo nito. (Rose Tamayo-Tesoro)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended