Ampon arestado sa arson
June 24, 2006 | 12:00am
Arestado ang isang 29-anyos na binata makaraang sunugin nito ang bahay ng taong umampon sa kanya, kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City.
Kasalukuyang nakapiit at nahaharap sa kasong arson si Michael Alvarez, ampon ni Sonny Abancio, ng 36 F. Alarcon St., Brgy. Maysan, ng nabanggit na lungsod.
Ayon kay Chief Inspector Agapito Nacario, hepe ng Valenzuela City Fire Station, dakong alas-6 ng gabi nang sunugin ng suspect ang bahay ng mga Abancio sa nabanggit na lugar.
Nabatid na nag-ugat ang panununog ng suspect makaraang sermunan ito ng biktima dahil sa pagiging pasaway na sanhi upang tuluyan na itong palayasin ni Abancio.
Hindi matanggap ng suspect ang ginawang pagpapalayas ng umampon sa kanya kaya pinag-isipan nitong sunugin ang bahay ng biktima. Kagabi nga isinagawa ang plano. Mabilis namang naapula ang apoy habang naaresto naman ang papatakas na suspect. (Rose Tamayo-Tesoro)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am