^

Metro

‘Pasaway’ na driver, todas sa aksidente

-
Mistulang kay ‘Kamatayan’ nakipagkarera ang isang 24-anyos na driver na nasawi nang sumalpok ang kanyang minamanehong jeep sa poste ng LRT dahil sa pakikipag-unahan sa isa pang jeep, kahapon ng madaling araw sa Malate, Maynila. Namatay noon din sa pinangyarihan ng insidente dahil sa pagkabiyak ng ulo matapos na tumalsik palabas ng kanyang jeep ang biktimang si Antonio Arcayna, ng Dimasalang St., Sta. Cruz, Maynila. Sugatan naman ang kanyang mga pasahero na sina Joel Rayos, 28; Carlito Sayon, 44 at Jekrel Suibai, 19, pawang residente ng Pasay City. Sa ulat ng Manila Traffic Bureau, naganap ang insidente dakong alas-4:50 ng madaling araw sa kahabaan ng Taft Avenue sa Malate sa tapat ng Dela Salle University. Ayon sa mga pasahero nito, nakipagkarerahan umano si Arcayna sa isa ring pampasaherong jeep . Bigla umanong nagkamali ng kabig sa manibela pakanan si Arcayna kaya dire-diretsong sumalpok ito sa konkretong poste ng LRT. Dahil sa lakas ng pagsalpok, tumilapon papalabas ng jeep si Arcayna at tumama ang ulo nito sa semento sanhi ng pagkabiyak nito. Walang nakuhang lisensiya kay Arcayna at sa halip ay apat na traffic violation receipt ang nakuha dito. (Danilo Garcia)
Pizza crew dedo sa amok
Isang empleyado ng isang pizza house ang nasawi matapos na saksakin ng kanyang kapitbahay na nag-amok habang nasa impluwensiya ng alak, kamakalawa ng gabi sa Sampaloc, Maynila. Nakilala ang nasawi na si Darius Gideon, service crew ng isang pizza restaurant at residente ng Balic-Balic, Sampaloc. Agad namang naaresto ng mga barangay tanod ang suspect na si Franklin Madero, 26, mekaniko at residente rin sa nabanggit na lugar. Ayon sa ulat, naganap ang krimen dakong alas-10:30 kamakalawa ng gabi sa panulukan ng Bohol St. at Visayan Avenue, Balic-Balic kung saan naglalakad papauwi buhat sa trabaho ang biktima kasama ang isang kapwa service crew. Kasalukuyan naman noong nagwawala ang suspect na si Madero na armado ng patalim at naghahamon ng away sa mga kapitbahay. Dito nito namataan sina Gideon na kanyang nilapitan. Bagamat umiwas at tumakbo na lamang si Gideon ay hinabol pa rin ito ng suspect at nang abutan ay pinagsasaksak sa likuran. Agad namang nakaresponde ang mga tanod at nakopo ang suspect. (Danilo Garcia)
Kontaminadong tubig nakalason sa 15 student
Kontaminado umano ang tubig sa Active Dormitory kaya’t nalason ang 15 nursing students mula sa University of Batangas. Ayon kay Manila City Administrator Dino Nable, pinadalhan na nila ng liham ang water district na sumasakop sa Sampaloc area upang isaayos at malinis ang supply ng tubig dito. Lumalabas sa pag-iinspeksiyon na ginamit sa pagluluto ang kontaminadong tubig kaya’t nakaramdam ng pagkahilo, pagsusuka at pananakit ng tiyan ang mga estudyante mula sa pagkaing supply ng dormitoryo. Maging ang mga residente sa paligid ng Active Dormitory sa P. Noval St., España ay pinayuhan na rin ng lokal na pamahalaan na huwag kumuha ng inumin at panluto mula sa kanilang tubig sa gripo. Ang pagkakaroon din umano ng pressure pump ng mga residente rito ang dahilan kung bakit nahihigop pati ang kontaminadong tubig. Dahil dito kaya’t pinag-aaralan ng lokal na pamahalaan ang mga kasong posibleng isampa sa may-ari at namamahala ng Active Dormitory. (Gemma Amargo-Garcia)

ACTIVE DORMITORY

ANTONIO ARCAYNA

ARCAYNA

AYON

BALIC-BALIC

BOHOL ST.

DANILO GARCIA

MAYNILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with