Lady reporter hinarass sa Camp Crame
June 22, 2006 | 12:00am
Inireklamo ng isang lady reporter sa tanggapan ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang tatlong pulis kabilang ang isang major na pawang nakatalaga sa Camp Crame na nangharass at nagpiit sa kanya dahil lamang sa pagsusuot nito ng sleeveless blouse.
Ang mga inireklamo ay sina Chief Inspector Joel Ada; SPO3 Ricardo Fernandez-Macose at PO2 Sheryll Suan, pawang nakatalaga sa Base Police, ng Headquarters Support Service sa Camp Crame.
Ang mga nabanggit ay inireklamo ng reporter na si Lordeth Bonilla ng pahayagang ito.
Ayon kay Bonilla, naganap ang insidente dakong alas-4 ng hapon kamakalawa nang magtungo siya sa Camp Crame. Nagkataon na nakabantay sa gate si PO2 Suan na sumita sa kanya at ayaw magpapasok sa kanya sa dahilang nakasuot siya ng sleeveless na blouse. "Hindi ko naman alam na may ganoong patakaran, pero nakiusap pa rin ako at nagpakilala na mediaman. Sabi ko sandali lang naman ako at may kukunin lang ako sa kasamahang reporter na nakadestino sa Camp Crame", pahayag pa ni Bonilla.
Nagkaroon umano sila ng pagpapalitan ng paliwanagan hanggang sa sabihin sa kanya ni Suan na sasamahan na lamang siya sa pupuntahan.
Inakala umano ni Bonilla na dadalhin na siya sa PIO, ngunit sa tanggapan pala ng Base Police siya dinala at doon niya nadatnan sina Chief Inspector Ada at Macose. Hi-nold umano siya sa naturang tanggapan dahil lamang sa naka-sleeveless siya. Dito rin umano ay nai-blotter pa siya ng mga nabanggit na pulis. Binulyawan din umano siya ni Macose nang sabihin niya na palabasin na siya dahil sa may hinahabol siyang coverage kung saan sinabihan pa umano siya ng mga pulis na "walang repo-reporter dito".

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended