9-anyos dedo sa Maritime Police
June 20, 2006 | 12:00am
Patay ang isang 9-anyos na pupil, habang agaw-buhay naman ngayon sa pagamutan ang isang dalaga makaraang tamaan ang mga ito ng ligaw na bala mula sa service firearm ng isang opisyal ng Maritime Police nang magsagawa ng "palpak" na operasyon ang tropa ng huli, kamakalawa ng hapon sa Navotas.
Hindi na umabot pa ng buhay sanhi ng tinamong isang tama ng bala ng baril sa noo ang grade 3 pupil na si Daniel Barok, habang nasa kritikal namang kondisyon si Arlyn Pelayo, 32, na nagtamo naman ng isang tama sa likuran na tumagos sa dibdib malapit sa kilikili.
Ang mga biktima ay kapwa residente ng Market 111, Navotas Fishport Complex, North Bay Boulevard South, Navotas na ilang dipa lamang ang layo mula sa pinangyarihan ng insidente.
Samantala, agad namang ipinag-utos ni National Capital Region-Maritime Police (NCR-MP) director Senior Supt. Demosthenes Felix ang pagsailalim sa technical arrest sa nakabaril na opisyal na si Senior Inspector Regalado Ascano Jr., nakatalaga sa Navotas Maritime Police.
Batay sa ulat ng Navotas Police, dakong alas-5:15 ng hapon ng mangyari ang insidente sa isang tupadahan sa loob ng nasabing fishport.
Nauna rito, nakatanggap ng tawag ang grupo ni Ascano na namataan umano sa nasabing tupadahan ang isang Anton na sinasabing responsable sa pagpatay sa may-ari ng Virgie Fish Consignacion noong nakalipas na taon.
Bunsod nito ay agad na nagsagawa ng operasyon ang tropa ni Ascano at nilusob ang tupadahan, subalit nang sitahin umano ng mga tauhan nito ang sinasabing suspect na noon ay naglalaro ng sabong ay nagkaroon ng komosyon.
Dito ay agad na nilapitan ni Ascano ang suspect at tinutukan ng baril, gayunman nakipagpambuno at nakipag-agawan ang huli sa baril ng una.
Habang nag-aagawan ay umalingawngaw ang dalawang putok ng baril na naging dahilan upang tamaan ang paslit na biktima at ang dalaga.
Sapol sa noo ang bata na namatay noon din, habang kritikal naman si Pelayo.
Nagawa namang makatakas ng suspect. (Rose Tamayo-Tesoro)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended