^

Metro

Dahil sa textmate ni misis, mister nagbigti

-
Matinding paninibugho umano sa ka-textmate ng kanyang misis ang dahilan ng pagbibigti ng isang 29-anyos na mister, kahapon ng umaga sa Caloocan City. Nakilala ang nasawi na si Vergilio Balbuena, ng Libis, Nadurata St., Brgy. 28, ng nabanggit na lungsod. Ayon sa ulat dakong alas-9:30 kahapon ng umaga nang madiskubre ang nakabitin na bangkay ng biktima ng kanyang 9-anyos na anak na si Jenny. Isang nylon cord ang ginamit ng biktima sa pagbibigti na ang kabilang dulo ay itinali sa baytang ng kanilang hagdanan. Napag-alaman pa na bago ang pagkakatagpo sa bangkay ng biktima ay dalawang beses na rin itong nagtangkang magbigti subalit nauudlot dahil sa marupok at agad na nababali ang pinagtatalian nito sa lubid. Lumilitaw sa isinagawang imbestigasyon na ugat umano ng pagpapakamatay nito ang madalas na pagkahuli nito sa kanyang misis na may ka-text na ibang lalaki na posibleng labis nitong ipinagdamdam. (Rose Tamayo-Tesoro)
5 ‘rich boys’ huli sa holdap
Naaresto ng pulisya ang limang kalalakihan na pinaniniwalaang nabibilang sa may kayang angkan matapos na pagkatuwaang holdapin ang isang service crew kahapon ng umaga sa lungsod ng Mandaluyong. Nakilala ang mga nadakip na sina Michael Legaspi, 22; Raymond Montoa, 26; Carlito Resurrecion, 24; James Michael Sicat, 20 at Ryan Iran, 23. Ang mga suspect ay postibong kinilala ng biktimang si Tristan Balbastro, 21. Batay sa ulat dakong alas-2 ng madaling-araw ng holdapin si Balbastro sa kanto ng 29 de Agosto St. at Shaw Blvd. sa nabanggit na lungsod ng mga suspect na noon ay lulan ng isang Nissan Sedan na may plakang UEV-493 na pagmamay-ari ni Sicat. Narekober sa mga suspect ang ilang kutsilyo, screw driver, philip screw at tatlong corner metal file. Nabatid na ganito umano ang gawi ng grupo ng mga suspect na bagamat may mga kaya sa buhay ay nagpapagtripan mangholdap sa kanilang nais biktimahin. Inihahanda na ang kaso laban sa mga suspect. (Edwin Balasa)
2 killer ng Chinese timbog
Naaresto ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang dalawang papatakas na suspect na sangkot sa pagpaslang sa isang turistang Chinese habang bumibili ang mga ito ng tiket patungong Negros Occidental sa Pier 2 ng North Harbor, kamakalawa ng hapon. Nakilala ang mga suspects na sina James dela Peña, 18 at Zaldie Andrin, 31, kapwa helper at residente ng 81 Area A Parola Compound, Tondo. Pinaghahanap naman ang isa pa nilang kasamahan na si Rodel Margallo, 23, isa ring helper. Natunton ang papatakas ng dalawang suspect dakong alas-3:30 ng hapon sa ticketing office sa may Pier 2. Ang mga ito ay sangkot sa pagpaslang sa dayuhang si Hong Chao Qiang, 21, mula sa Fijuan China at pansamantalang nanunuluyan sa 500 Fundidor St., Binondo. Nabatid na nagtungo ang biktima sa warehouse na pag-aari ng kanyang tiyahin na si Susan Ong at dito nadiskubre ng nasawi ang ginagawang pagpupuslit ng mga suspect ng may 10 kahon ng mga disposable lighter na nagkakahalaga ng P70,000. Dahil dito, posibleng pinatahimik ng mga suspect ang biktima para itago ang nabuko nilang pagnanakaw sa kanilang amo. Pinagpapalo ng matigas na bagay sa ulo at katawan ang biktima na naging sanhi ng pagkamatay nito. (Gemma Amargo-Garcia)

AGOSTO ST.

AREA A PAROLA COMPOUND

CALOOCAN CITY

CARLITO RESURRECION

EDWIN BALASA

FIJUAN CHINA

NAKILALA

SUSPECT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with