^

Metro

Kasong kidnapping ihaharap vs 8 tauhan ng NACTF

-
Sasampahan ng patung-patong na kasong kriminal ng Manila Police District (MPD) ang tatlong opisyal at limang pulis agent ng National Anti-Crime Task Force (NACTF) dahil sa umano’y ginawang pagdukot at pananakot sa isang negosyante, kamakailan.

Ayon kay Chief Inspector Joselito Sta. Teresa, hepe ng District Police Intelligence Unit (DPIU) ng MPD na ipaghaharap nila ng mga kasong incrematory machinational, planting of evidence at kidnapping sa Manila Prosecutors Office sa Lunes sina Inspector Wilfredo Sy, Inspector Joselito Brioso, SPO4 Jesus Salvador, SPO3 Melencio dela Vega, SPO2 Rolando Bondoc, SPO2 Cresendo Molina, PO1 Marites Delubio at sibilyan na si Teotirno Castro. Nilinaw ni Sta. Teresa na pinagbasehan nila sa isasampang kaso ang salaysay ng nagreklamong negosyante na si Victoria Vea.

Sa reklamo ni Vea, dinukot umano siya at sapilitang hiningan ng halagang P100,000 ng mga operatiba ng NACTF sa pangunguna ng apat na matataas na opisyal na nabanggit matapos siyang mahulihan ng apat na pirasong Bangkok pills noong nakaraang Marso.

Pansamantalang nakalaya sa kustodya ng NACTF si Vea matapos na magbigay ng P35,000 at nangako ito na ibabalik na lamang niya ang balanse sa sandaling makauwi siya sa kanilang bahay sa 719 Palawan St. sa Maynila.

Lingid sa kaalaman ng mga suspects na parak ay nagsumbong sa DPIU ang biktima at inihanda ang entrapment operation. Unang nadakip ang civilian agent na si Castro habang tinatanggap sa biktima ang P50,000 marked money. (Gemma Amargo-Garcia)

CHIEF INSPECTOR JOSELITO STA

CRESENDO MOLINA

DISTRICT POLICE INTELLIGENCE UNIT

GEMMA AMARGO-GARCIA

INSPECTOR JOSELITO BRIOSO

INSPECTOR WILFREDO SY

JESUS SALVADOR

MANILA POLICE DISTRICT

MANILA PROSECUTORS OFFICE

MARITES DELUBIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with