Killer ng chop-chop lady, sumuko na
June 18, 2006 | 12:00am
"Sinisiraan niya ako sa asawa ko. Close kami noon, best friend pa ang turing ko sa kanya noong nasa Taiwan kami, pero siya ang dahilan ng pagkasira ng pamilya ko at self- defense lang ang nangyari."
Ito ang mga salitang namutawi sa bibig ni Grace Aboyador, 34, OFW mula sa Taiwan at suspect sa pag-chop-chop sa kasamahan din niyang OFW na si Rosita Sarin, alyas Jingjing.
Ipinagtapat pa nito na sobra silang close ni Jingjing noon sa Taiwan bilang mga yaya, naibigay niya minsan kay Jingjing ang number ng kanyang asawa na nasa Italy. Siniraan umano siya nito sa kanyang mister na sinabing may asawa na siyang iba. Naniwala naman ang kanyang asawa at naging dahilan ng kanilang paghihiwalay.
Naunang nakauwi si Aboyador at si Jingjing naman ay kamakailan lamang. Nagpunta anya si Jingjing sa kanyang inuupahang bahay sa Bahay Toro, Proj. 8, Quezon City at humingi ng tawad sa kanya. Nakitira pa umano ito sa kanyang inuupahang kuwarto.
Pinagtangkaan umano ni Jingjing ang kanyang buhay nang minsan nasa loob siya ng CR. Nasalag umano niya ang pananaksak nito hanggang sa tuluyan na silang nag-away. Hindi na umano niya alam ang mga sumunod na pangyayari at hindi niya namalayan na nagawa niya na mapagputul-putol ang katawan nito.
Pinabulaanan din nito na selos ang sanhi sa krimen.
Magugunitang ang torso ni Jingjing ay natuklasan sa loob ng isang malaking maleta na sadyang iniwan ng suspect sa compartment ng isang taxi noong Huwebes.
Sinabi ni Aboyador na ang ulo ng biktima ay inilagay din niya sa isang pulang bag at itinapon niya sa Pasig River sa Quiapo.
Si Grace ay dinala ni Mayor Dan Lim ng Tagbilaran City sa tanggapan ni QC Police director Chief Supt., Nicasio Radovan.
Hindi naman naniniwala ang mga kaanak ni Jingjing sa mga pahayag ni Aboyador sa isinagawang press conference kahapon. (Angie Dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest