Ayon kay Manila 1st district councilor Atong Asilo, itoy upang masiguro ang impartial investigation sa kaso, dapat suspendihin muna ang mga sangkot na opisyal sa puwesto habang isinasagawa ang imbestigasyon sa Boys Town scandal.
Dahilan dito kayat hiniling kaagad ni Asilo kay Manila Mayor Lito Atienza ang suspension nina Boys Town OIC Dennis Cabangbangan at assistant nitong si Ryan Ponce.
Bukod dito, naghain na rin ng isang resolusyon si Asilo na isang ad hoc committe ang siyang mag-imbestiga sa nasabing iskandalo. (Gemma Amargo-Garcia)