^

Metro

Sexual harassment sa Boys Town bubusisiin

-
Iimbestigahan ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang umano’y nagaganap na sexual harassment ng ilang opisyal ng Boys Town sa mga batang kanilang kinakalinga.

Ayon kay Manila 6th District Councilor Greco Belgica, sisiyasatin nila ang katotohanan sa ulat ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) na inabuso ng isang Daniel Cabangbangan, officer-in-charge (OIC) ng Boys Town ang mga batang nasa loob ng institusyon.

Iginiit ni Belgica na habang hindi napapatunayan ang paratang kay Cabangbangan ay mananatili ito sa kanyang puwesto.

Nabatid na ang Boys Town ay nasa ilalim ng pamamahala ni Manila Social Welfare Jose Baranda at siya ring nagtalaga sa puwesto kay Cabangbangan.

Bukod sa pang-aabusong seksuwal, iimbestigahan din umano ang isang Ryan Ponce, deputy ni Baranda dahil sa umano’y pagmamantine nito ng mga panabong na manok at piggery sa loob ng Boys Town.

Magugunita na ang Boys Town na matatagpuan sa Parang, Marikina ay itinatag ni dating Manila Mayor Mel Lopez noong dekada 90 para alagaan ang mga batang lansangan at mga ulila.

Kaugnay nito, isang resolusyon naman ang isinusulong nina Manila 1st district Councilor Atong Asilo at 2nd district Councilor Rolan Valeriano upang rebisahin ang pamamalakad sa Boys Town sa layuning maiwasan ang ganitong mga pang-aabuso sa mga kabataang inaalagaan dito. (Gemna Amargo-Garcia)

BOYS TOWN

CABANGBANGAN

COUNCILOR ATONG ASILO

COUNCILOR ROLAN VALERIANO

DANIEL CABANGBANGAN

DISTRICT COUNCILOR GRECO BELGICA

GEMNA AMARGO-GARCIA

INVESTIGATIVE JOURNALISM

MANILA MAYOR MEL LOPEZ

MANILA SOCIAL WELFARE JOSE BARANDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with