Shootout: 5 holdaper bumulagta
June 16, 2006 | 12:00am
Limang miyembro ng big- time robbery/hold-up gang ang nasawi makaraang makipagbarilan sa mga tauhan ng pulisya kamakalawa ng gabi sa Kamuning, Quezon City.
Hanggang sa ngayon ay hindi pa nakikilala ang mga suspects na nasamsaman ng dalawang kalibre .38 baril, isang sumpak at mga bala na pinaniniwalaang gagamitin sa kanilang muling pag-atake.
Apat sa mga ito ang nasawi sa mismong lugar na pinangyarihan ng krimen, habang ang isa ay idineklarang dead-on-arrival makaraang isugod sa East Avenue Medical Center.
Ayon kay Supt. James Brillantes, hepe ng QCPD-District Intelligence and Investigation Division (DIID), naunang nagreklamo sa Kamuning Police Station ang taxi driver na si Rene Dahonan, 39, tungkol sa umanoy ginawang pag-agaw ng limang armadong kalalakihan sa kanyang minamanehong Reno Taxi na may plakang PWM-304.
Ayon sa sumbong nito, minamaneho niya ang taxi dakong alas-9:45 ng gabi nang parahin siya ng limang kalalakihan sa may tapat ng Sulu Hotel sa Matalino St., Brgy. Central ng nabanggit na lungsod.
Pagsapit umano nila sa tapat ng Post Office sa NIA Road ay isa-isa umanong naglabas ng baril ang mga suspect at saka nagdeklara ng holdap.
Kinuha ng mga suspect ang kanyang cellphone at lahat ng kinita sa pamamasada, hindi pa nasiyahan ang mga ito kung saan pinababa siya ng taxi at saka tinangay ang kanyang minamanehong sasakyan.
Sa puntong ito agad na humingi ng tulong si Dahonan sa Kamuning Police Station na agad namang nagsagawa ng dragnet operation laban sa mga suspect.
Agad na naispatan ang naturang taxi sa panulukan ng Kamuning Rd. at Tomas Morato Avenue, ngunit hindi pa man nakakalapit ang mga awtoridad ay mabilis na silang pinaputukan ng mga suspect.
Ilang minutong nagkaroon ng barilan hanggang sa humandusay ang mga suspect. Nagawa pang isugod sa pagamutan ang isa sa mga ito subalit hindi na rin nakaligtas.
Malaki ang paniwala ng pulisya na posibleng gagamitin ng mga suspect ang naturang taxi sa isasagawa nilang muling panghoholdap, gayunman hindi sila nakalusot sa mabilis na responde ng pulisya.
Ang naturang grupo rin ng mga suspect ay pinaniniwalaang sangkot sa serye ng panghoholdap sa lungsod at karatig lugar.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended