^

Metro

Ipinagpalit ng kasintahan, lalaki nagbigti

-
Hindi nakayanan ng isang 20-anyos na binata ang sakit sa pagkabigo sa pag-ibig matapos na kitlin nito ang buhay sa pamamagitan ng pagbibigti nang ipagpalit siya sa iba ng kanyang kasintahan, kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Wala nang buhay nang matagpuang nakabitin ang biktimang nakilalang si Michael Maliwanag, caretaker ng isang bodega sa may 5305 Vargas St., Tondo, Maynila.

Sa ulat ng MPD-Homicide Section, nadiskubre ang bangkay ng biktima dakong alas-9:15 ng gabi ng mga kasamahan niyang si Aling Clarita Andojar sa tinutuluyang bodega. Wala namang iniwang suicide note ang biktima ngunit sa pagtatanong kay Aling Clarita, sinabi nito na naipagtapat sa kanya ng biktima ang sama ng loob nito matapos na hiwalayan siya ng kanyang kasintahan.

Dinamdam umano ng biktima ang pakikipaghiwalay ng kasintahan na sumama sa ibang lalaki sanhi upang magdilim ang pag-iisip ni Maliwanag at nagbunsod sa ginawang pagpapakamatay. (Danilo Garcia)

vuukle comment

ALING CLARITA

ALING CLARITA ANDOJAR

DANILO GARCIA

DINAMDAM

HOMICIDE SECTION

MALIWANAG

MAYNILA

MICHAEL MALIWANAG

VARGAS ST.

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with