^

Metro

Chop-chop lady natagpuan

-
Isa na namang naaagnas na chop-chop at pugot na katawan ng isang babae ang natagpuan na nakasilid sa isang bag na lulutang-lutang sa isang creek, kahapon ng hapon sa Caloocan City. Dakong ala-1:30 ng hapon nang madiskubre ng mga residente ang putol na katawan ng nasabing chop-chop lady na nakasuot lamang ng itim na panty at bra at nakasilid sa isang knapsack sa isang creek sa BMBA Cmpd. sa panulukan ng 3rd at 2nd Avenue, nabanggit na lungsod.

Sa panayam sa ilang residente, nag-ugat ang pagkakadiskubre sa chop-chop lady nang makaamoy sila ng nakasusulasok na amoy at nang kanilang suriin ay halos bumaligtad ang kanilang sikmura sa kanilang nakita.

Tanging ang nagkagutay-gutay na pugot na katawan ng biktima ang nakita, habang nawawala ang mga kamay, paa at ulo nito. May teorya naman ang Scene of the Crime Operations (SOCO) na posibleng sa ibang lugar tsinap-chop ang naturang biktima at itinapon lamang sa Caloocan upang iligaw ang isasagawang imbestigasyon ng pulisya.

Kasalukuyang inaalam ng pulisya ang pagkikilanlan ng biktima at ang may kagagawan sa nasabing krimen, pati na ang motibo sa brutal na pamamaslang dito. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

CALOOCAN

CALOOCAN CITY

CHOP

CMPD

DAKONG

ISA

ISANG

KASALUKUYANG

ROSE TAMAYO-TESORO

SCENE OF THE CRIME OPERATIONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with