^

Metro

Kilabot na snatcher, timbog sa babaeng titser

-
Dahil sa tapang at lakas ng loob ng isang 30-anyos na babaeng guro ay naaresto ang isang kilabot na snatcher makaraang habulin ito ng una ng agawin ng huli ang kanyang mamahaling cellular phone, kamakalawa ng gabi sa Marikina City.

Kasalukuyan na ngayon naghihimas ng malamig na rehas na bakal ang suspect na si Anthony Cruz, 25, residente ng Balanti St., Brgy. Ampid, San Mateo, Rizal.

Ayon sa biktimang si Karla Noble, guro ng San Roque Elementary School sa Marikina City, naganap ang insidente dakong alas-9 45 ng gabi habang sakay siya ng isang pampasaherong jeep sa kahabaan ng Paz St., Brgy. San Roque.

Nagpanggap umanong pasahero ang suspect at habang ginagamit ng biktima ang kanyang cellular phone ay biglang hinablot ito ng una sabay karipas ng takbo mula sa jeep.

Hindi naman nasiraan ng loob ang biktima at hinabol nito ang papatakas na suspect na nakaagaw pansin naman sa taumbayan.

Kasama ang nasabing guro ay tulung-tulong na kinuyog ng taumbayan ang suspect na binugbog muna bago dinala sa himpilan ng pulisya.

Nabawi naman mula sa posesyon ng suspect ang cellular phone ng biktima. (Edwin Balasa)

vuukle comment

ANTHONY CRUZ

BALANTI ST.

BRGY

EDWIN BALASA

KARLA NOBLE

MARIKINA CITY

PAZ ST.

SAN MATEO

SAN ROQUE

SAN ROQUE ELEMENTARY SCHOOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with