^

Metro

Minulto kasi ng biktima Pumatay sa Caloocan employee sumuko

-
Makaraang multuhin, kusang-loob na sumuko kahapon sa mga awtoridad ang isang dance instructor na pumaslang noong Miyerkules ng gabi sa isang empleyado ng Caloocan City hall.

Ayon sa suspect na si Albert Villanueva, 33-anyos at residente ng Zapote St., Bagong Barrio, nabanggit na lungsod, mula nang paslangin niya ang biktimang si Baltazar Fajardo, 37-anyos, nakatalaga sa Reformed Department of Public Safety and Traffic Management (RPDSTM) ng Caloocan City Hall, ay gabi-gabi siyang pinapakitaan ng multo ng biktima.

Maging sa pagtulog din umano ni Villanueva ay nagpapakita sa kanya si Fajardo dahilan upang hindi matahimik ang una kung kaya’t nagdesisyon itong sumuko na lamang sa mga kinauukulan.

Ayon na rin kay Villanueva, hindi niya pinagsisihan ang ginawang pamamaslang kay Fajardo dahil hindi na umano nito makayanan ang malimit na pambabato ng huli sa kanyang bahay.

Nagawa umanong paslangin ni Villanueva si Fajardo dahil nitong huling pambabato ng huli sa kanyang bahay ay malubhang nasugatan ang isa sa kanyang mga anak na noon ay natutulog na.

"Mula nang mapatay ko si Fajardo ay hindi na ako natahimik sa pagmumulto niya, hindi na rin makayanan ng aking konsensiya kaya ako sumuko," ayon pa sa panayam kay Villanueva.

Nabatid kay P/Supt. Napoleon Cuaton, hepe ng Station Investigation and Detective Management Bureau (SIDMB) ng Caloocan City Police, si Villanueva ay suspect sa pagpatay kay Fajardo noong Miyerkules ng alas-11 30 ng gabi.

Pinagbabaril ni Villanueva si Fajardo gamit ang kanyang .38 na baril hanggang sa masawi ito, nagtamo ang huli ng mga tama sa dibdib at sikumura nito na naging dahilan ng kanyang agarang pagkasawi. (Rose Tamayo-Tesoro)

ALBERT VILLANUEVA

AYON

BAGONG BARRIO

BALTAZAR FAJARDO

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY HALL

CALOOCAN CITY POLICE

FAJARDO

MIYERKULES

VILLANUEVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with