^

Metro

MPD sinanay sa pagligtas ng buhay

-
Bukod sa pagpapanatili sa kaayusan at kapayapaan sa Maynila, pinag-aaralan na rin ng mga pulis dito ang magligtas ng buhay ng taong nasa bingit ng kamatayan.

Kaugnay nito, isang special workshop ukol sa pagbibigay ng first aid sa mga biktima ng anumang karahasan, krimen at aksidente ang itinuro sa mga pulis ng mga miyembro ng Philippine College of Surgeons-Metro Manila Chapter sa headquarters ng Manila Police District (MPD).

Umaabot sa kabuuang 1,113 na mga doktor na kinabibilangan ng mga surgeons at physicians ang nagturo ng first aid sa mga pulis-MPD.

Sinabi naman ni MPD director Chief Supt. Pedro Bulaong na ang nasabing pagsasanay ay tinatawag nilang "special basic trauma and life support course" na makakatulong sa mga pulis upang makapagbigay ng paunang lunas tulad ng cardio pulmonary resuscitation sa mga residente na posibleng malagay sa bingit ng kamatayan at magsisilbi din umano itong "morale booster" sa mga pulis na siyang rumiresponde sa mga emergency cases. (Gemma Amargo-Garcia)

BUKOD

CHIEF SUPT

GEMMA AMARGO-GARCIA

KAUGNAY

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

PEDRO BULAONG

PHILIPPINE COLLEGE OF SURGEONS-METRO MANILA CHAPTER

SINABI

UMAABOT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with