Lalaki inatake sa puso, dedo
June 11, 2006 | 12:00am
Dahil sa pangambang makulong, inatake sa puso at nasawi ang isang 48-anyos na lalaki habang ito ay iniimbestigahan sa loob ng presinto ng pulisya, kahapon ng umaga sa Sampaloc, Maynila.
Namatay habang ginagamot sa Ospital ng Sampaloc ang biktimang si Leopoldo Bacacao, tubong Cebu at walang tiyak na tirahan.
Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-6 25 ng umaga nang bigla na lamang atakihin sa sakit sa puso ang biktima, habang ito ay iniimbestigahan sa University Block Area (UBA) Police Community Precinct (PCP).
Kaagad na isinugod sa nabanggit na pagamutan ang biktima subalit minalas na binawian din ito ng buhay.
Nabatid na bago namatay ang biktima ay nagsagawa ng tinatawag na zero obstruction operation ang mga pulis sa pamumuno ni Senior Insp. Enrique Pagalan, hepe ng UBA-PCP na sakop ng MPD-police Station 4 sa kahabaan ng Nicanor Reyes St., hanggang sa C. M. Recto Avenue at Quezon Blvd., Sampaloc, Maynila.
Kasama umano ang biktima sa 16 katao na mula sa ibat ibang lugar na pinagdadampot ng mga awtoridad na natutulog sa bangketa dakong alas-5 30 ng madaling-araw.
Dinala ang mga inaresto kasama ang biktima sa nabanggit na presinto ngunit habang isinasailalim ang mga ito sa interogasyon ay bigla na lamang inatake sa puso ang biktima dahil sa sobrang nerbiyos umano nito. (Gemma Amargo-Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended