Trader natusta sa sunog
June 10, 2006 | 12:00am
Nakaligtas na sana sa tiyak na kapahamakan ang isang 50-anyos na ginang kung hindi nito binalikan ang naiwang pera sa nasusunog nilang bahay, kahapon ng umaga sa Las Piñas City.
Halos hindi na makilala ang bangkay ng biktimang si Imelda Olivera dahil sa matinding pagkasunog nito.
Sugatan naman ang pamangkin nitong si Ruby Arevalo, 17 na nagtamo ng first degree burn sa ilang bahagi ng katawan.
Samantala, aabot naman sa dalawang milyong halaga ng mga ari-arian ang natupok din ng apoy.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Las Piñas City Fire Department naganap ang insidente dakong alas-5 ng umaga sa inuupahang bahay ng biktima sa Lira St., Phase II, Moonwalk Village, Brgy. Talon 5, Las Piñas City.
Nagsimulang kumalat ang apoy sa bandang sala ng bahay na hindi pa alam kung ano ang pinagmulan.
Mabilis na kumalat ang apoy sa buong kabahayan gayunman wala namang nadamay na ibang bahay.
Ayon sa ulat, nakalabas na umano ang nasawi, subalit pumasok pa uli ito sa nasusunog na bahay at binalikan ang pera subalit hindi na nito nakuha pang makalabas.
Dineklarang kontrolado ang sunog dakong alas-5:30 ng umaga. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended