^

Metro

Malupit na ama, pinakulong ng anak

-
Pinakulong ng isang 12-anyos na paslit ang kanyang sariling ama makaraang hindi na nito matiis pa ang ginagawang pananakit ng huli sa kanilang mga magkakapatid, kahapon ng umaga sa Quezon City.

Nagharap ng kasong child abuse sa pulisya ang paslit kasama ang kanyang ina laban sa kanyang ama na si Bon Lim Tan, liason officer ng Kalayaan Avenue, Brgy. Central, Quezon City.

Sinabi ng biktima na hindi pinangalanan, unang ginulpi ng kanyang ama ang dalawa niyang kapatid bago siya pinagbalingan.

Sinabi ng bata sa pulisya na hinampas siya ng belt sa ulo ng maraming beses at nang magtangka siyang umiwas ay sinundan pa siya at sinuntok sa mukha sabay ang sabing "payatot ka lang kayang-kaya kong baliin ang buto mo".

Nang suntukin siyang muli ay doon na siya nahilo at napaupo saka tinadyakan at sinabihan ng inutil at palamunin.

Dinakip naman agad ang malupit na ama na kasalukuyang nakapiit ngayon sa detention cell ng Station 9 Anonas PNP. (Angie dela Cruz)

vuukle comment

ANGIE

ANONAS

BON LIM TAN

BRGY

CRUZ

DINAKIP

KALAYAAN AVENUE

NAGHARAP

QUEZON CITY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with