^

Metro

Ex supervisor nagbaril sa sarili

-
Hanggang sa huling sandali ay ang pagmamahal pa rin sa kanyang nobya ang iniisip ng isang 29-anyos na dating supervisor sa isang mall makaraang magpakamatay ito sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili at inihabilin sa kanyang suicide note na ang makukuha nitong pera sa kompanya ay para sa kanyang kasintahan.

Hindi na umabot pa ng buhay sa Amang Rodriguez Medical Center sanhi ng tinamong isang tama ng bala ng baril sa dibdib si Robert Allan Villareal, ng Twin River Subdivision, Parang Marikina City.

Ayon kay PO2 Rey Juntanilla, naganap ang insidente dakong alas-7:45 ng umaga sa garahe ng bahay ng pamilya Villareal.

Nabatid sa kasambahay na si Cristina Datun, kasalukuyan siyang naglilinis sa loob ng bahay nang makarinig ng isang putok ng baril at nang kanyang tunguhin ang pinagmulan nito ay nakita niya ang duguang biktima katabi ang isang kalibre .38 baril kung kaya agad niyang tinawag ang mga kasamahan sa bahay.

Napag-alaman pa kay Juntanilla na bago ang pagpapakamatay ng biktima ay huli nitong nakausap sa cellphone ang dating kasamahan sa trabaho at nobyang si Rizalina Gonzales na ayon sa imbestigasyon ay ayaw ng pamilya Villareal para kay Robert Allan.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na posibleng nagpakamatay ang biktima dahil sa sobrang kalungkutan dahil na rin sa patuloy na pagtanggi ng kanyang pamilya sa kanyang nobya.

Kabibitiw pa lamang ng nasawi bilang supervisor sa isang mall at sa iniwan nitong suicide note, ang lahat ng makukuha niyang pera ay para sa kanyang nobya at hindi sa kanyang pamilya. (Edwin Balasa)

vuukle comment

AMANG RODRIGUEZ MEDICAL CENTER

CRISTINA DATUN

EDWIN BALASA

KANYANG

PARANG MARIKINA CITY

REY JUNTANILLA

RIZALINA GONZALES

ROBERT ALLAN

ROBERT ALLAN VILLAREAL

TWIN RIVER SUBDIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with