Pinekeng kamatayan ng magazine editor nabuko
June 8, 2006 | 12:00am
Matapos na mabuko ng mga awtoridad ang pinekeng kamatayan ng isang magazine editor, wala itong nagawa kundi lumutang at kumpirmahin sa kanyang kaibigan at sa mga pulisya na gawa-gawa lamang niya ang lahat at siya ay buhay.
Sa panayam kahapon kay Veni Ilowa 34, writer at empleyado ng University of the Philippines Press at kaibigan ng nagpatay-patayang si Herman Gacosta na kinontak siya nito sa kanyang cellphone at ipinagtapat mismo na siya ay buhay at talagang gawa-gawa lang niya ang kanyang pagkamatay.
Dahil dito agad namang tinawagan ni Ilowa si Atty. Manuel Oyson, publisher ng pinagtatrabahuhang magazine ni Gacosta upang sabihing tinawagan siya ng huli. "Buhay pa siya, kausap ko siya kahapon," saad ni Ilowa sa isinagawang panayam.
Napag-alaman pa kay Ilowa na anim na taon na tumira sa kanilang bahay si Gacosta sa No. 8 Lansones St., Project 2, Quezon City at inamin din nito na pati siya ay ninakawan din nito ng halagang P27, 000 ng suspect.
"Pinagnakawan din niya ako ng P27, 000, pero binabayaran naman nya sa akin ng hulugan. Kaya lang hanggang ngayon kulang pa siya ng P10, 000. Tumawag siya sa akin last day upang sabihin na pineke lang niya talaga ang kanyang kamatayan, gusto na raw niya talagang magbagong buhay," pahayag pa ni Ilowa.
Matatandaang noong Hunyo 3 ay pinagnakawan ni Gacosta, editor ng Marketing Insight Magazine ang kanilang opisina sa Tektite Building Ortigas Center sa Pasig City na ibat-ibang mahahalagang gamit katulad ng laptop computer, dalawang handheld radio, tripod, motorola cellphone at dalawang mamahaling camera na umaabot sa halagang P200,000.
Hindi siya nakaligtas sa surveillance camera sa opisina at kitang-kitang ang ginawa niyang pangungulimbat ng gamit dahilan upang kasuhan siya ng kanyang boss na si Oyson.
Subalit laking gulat na lang ni Oyson ng noong Lunes ng umaga (Hunyo 5) ay may isang hindi nagpakilalang lalaki ang nagsoli ng ninakaw na laptop at Olypus camera ng suspect at iniwan ito sa sekyu ng kanilang tanggapan.
Nang buksan ni Oyson ang computer unang bumungad ang litrato ni Gacosta na patay at isang sulat na nakapangalan para sa kanya.
Sa sulat ipinalalabas na si Gacosta ay pinatay ng sindikato na umanoy galit kay Oyson.
Nagduda naman ang pulisya sa larawan na pinatay na si Gacosta kasabay nang pagsasabing maaaring peke ang pagkamatay nito.
Hindi nga nagtagal ng lumabas sa mga pahayagan na nabuko ito sa kanyang ginawa, tumawag na ito sa kanyang kaibigang si Ilowa.
Ngayong kumpirmadong buhay ito, isang manhunt operation ang inilunsad ng pulisya laban dito. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended