^

Metro

Repairman natusta sa kuryente

-
Natusta ang isang repairman, habang sugatan naman ang kanyang kasamahan makaraang aksidente nilang nahawakan ang high voltage wire sa bubong ng isang bahay sa Parañaque City, kahapon ng umaga.

Nakilala ang biktima na si Reynaldo Grandeza na nasawi noon din, habang ang kanyang sugatang kasamahan ay si Gilbert Lumutos, 28, na nagtamo ng minor burns sa kaliwang bahagi ng kanyang katawan, agad itong isinugod sa Parañaque Medical Center sa Sucat.

Ayon sa mga nakasaksi, kasalukuyang iniinspeksyon ng mga biktima ang bubong ng bahay sa No. 45 Ignacio Celis St., BF Homes Executive Village Phase 5, Parañaque City para mabatid kung ano ang kailangan nilang i-repair dakong alas-9:15 ng umaga.

Sinabi ni Lumutos na aksidenteng nahawakan ni Grandeza, na kilala sa village bilang Mang Jun ang isa sa maraming electric cable na nakakabit sa kalapit na poste ng Meralco at lingid sa kanyang kaalaman ay live high tension electric wire.

Agad na nangisay si Mang Jun, nasunog ang suot nitong damit dahil sa malakas na boltahe ng kuryente na pumasok sa katawan nito. Tinangka naman siyang tulungan ni Lumutos subalit wala na rin siyang nagawa. Maging siya ay nagtamo ng minor burns sa kanyang kamay. (Michelle Katigbak)

vuukle comment

AYON

GILBERT LUMUTOS

HOMES EXECUTIVE VILLAGE PHASE

IGNACIO CELIS ST.

LUMUTOS

MANG JUN

MEDICAL CENTER

MERALCO

MICHELLE KATIGBAK

REYNALDO GRANDEZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with