^

Metro

Binatilyo dedo sa amok

-
Hindi na nagawang makapasok pa sa paaralan ng isang 15-anyos na binatilyo makaraang masawi nang tamaan ng bala ng baril buhat sa dalawang lalaki na nag-amok kahapon ng madaling-araw sa Sta. Cruz, Maynila.

Nakilala ang nasawi na si Jerson Taboy, ng 1606 Quiricada St. Sta. Cruz, Maynila.

Nadakip naman ang isa sa mga suspect na isa ring menor de edad na itinago sa pangalang Olan, 16, habang pinaghahanap pa ang isa pang suspect na nakilalang si Black Jack.

Sa ulat ng MPD-Homicide Section, naganap ang insidente dakong alas-12:50 ng madaling araw sa panulukan ng Quiricada at Rizal Avenue, Sta. Cruz kung saan nakaistambay ang biktima at mga kabarkada nito.

Nabatid sa imbestigasyon na unang nakasuntukan ng suspect na si Olan ang isang Jacinto Dante sa naturang lugar kung saan naagrabyado ang una. Umalis ito at nang bumalik ay armado na ng baril kasama si Black Jack. Agad umanong pinaputukan ng mga suspect ang lahat ng taong inabutan sa lugar. Minalas naman na si Taboy ang tinamaan ng bala at napuruhan sanhi ng kanyang kamatayan.

Tinuligsa naman ng mga residente rito ang kahinaan ng pulisya na masawata ang "gang war" dahil sa kawalan ng sapat na police visibility sa lugar at sa iba pang panig ng lungsod. (Danilo Garcia)

BLACK JACK

CRUZ

DANILO GARCIA

HOMICIDE SECTION

JACINTO DANTE

JERSON TABOY

MAYNILA

OLAN

QUIRICADA ST. STA

RIZAL AVENUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with