1 patay, 2 sugatan dahil sa mikropono
June 4, 2006 | 12:00am
Mikropono lamang ang dahilan ng pagsasaksakan ng isang grupo ng kalalakihan sa loob ng isang videoke bar sa Makati City kung saan isa ang nasawi, habang dalawa pa ang nasugatan, kahapon ng umaga.
Hindi na umabot ng buhay makaraang isugod sa Ospital ng Makati ang biktimang si Reycard Elijorde, 24, ng Lakas Tao St., Block 1, Floodway, Cainta, Rizal na nagtamo ng dalawang saksak sa dibdib.
Ginagamot naman sa nabanggit na pagamutan ang dalawa pang biktima na sina Bench Malvasias, 24 at Wilmer Moso, 28, na nagtamo rin ng mga saksak sa katawan.
Tumakas naman ang suspect na nakilala lamang sa pangalang Admer.
Sa inisyal na imbestigasyon naganap ang insidente dakong alas-5 ng umaga sa Reyna-Tess videoke bar na nasa panulukan ng Kalayaan Avenue at Bohol St., Brgy. Pitogo, Makati City. Nabatid na kostumer ang mga biktima at suspect sa nabanggit na videoke bar kung saan nagkainitan ang mga ito makaraang mag-agawan sa mikropono para makakanta.
Nagkaroon ng mainitang pagtatalo na nauwi sa suntukan hanggang sa magbunot ng patalim at walang habas na inunday sa tatlong biktima. Napuruhan naman nito si Elijorde na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.
Isang manhunt operation ang inilunsad ng pulisya laban sa salarin.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest