Estudyante utas sa holdaper
June 4, 2006 | 12:00am
Hindi na umabot ng pasukan ang isang 17-anyos na estudyante makaraang mabaril at mapatay ito ng mga holdaper na kanyang hinabol matapos na biktimahin ang kanyang kaibigan, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Isang tama ng bala sa kanang dibdib ang tinamo at naging sanhi ng kamatayan ng biktimang si Roniel Cabahayan, ng Dorothea Road, Brgy. 190, Caloocan City.
Batay sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente sa panulukan ng A. Bonifacio Ave. at Dorotea Road, Brgy. Balingasa, Quezon City dakong alas-7:40 ng gabi.
Napag-alaman na nakita ng biktima ang ginawang panghoholdap ng tatlong hindi pa nakikilalang suspect sa kaibigan nitong Indian national.
Ipinasya ng biktima na habulin ang mga holdaper ngunit isa sa mga ito ang nagpaputok ng baril kung saan tinamaan sa dibdib ang una.
Patay na nang idating ito sa Chinese General Hospital.
Mabilis namang pumuga ang mga suspect matapos ang isinagawang krimen na siya ngayong target ng operasyon ng pulisya. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am