^

Metro

15 gusali sa Pasig posibleng gumuho

-
Labinlimang gusali sa Pasig City, karamihan sa mga ito ay mga eskuwelahan na delikadong gumuho dahil sa lindol, ang mahigpit na tinututukan ngayon ng pamunuang lungsod.

Dahil sa nakakaalarmang sitwasyon ay agad na itinayo ng lokal na pamunuan ng Pasig ang isang task force na pangungunahan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) upang maagapan ang nakaambang panganib na posibleng ikasawi ng maraming tao.

Lumalabas sa ulat na ilan sa mga gusali na ngayon ay tinututukan ang tatlo sa mga gusali sa Philsport Arena (ULTRA), kung saan naganap ang stampede na ikinamatay ng may 70 katao noong Pebrero 4 ng taong ito.

Bukod sa ULTRA, ilan pa sa binanggit ng task force ay ang mga gusali sa Bagong Ilog Elementary School, Dr. Sixto Antonio Elementary School, Oranbo Elementary School, limang gusali sa Brgy. Palatiw Elementary School, Pasig Central Elementary School at Pineda Elementary School. Ang nasabing ulat ng Task Force ay base na rin sa ginawang inspeksiyon sa may 1,983 gusali sa Kalakhang Maynila na ginawa noong katapusan ng Abril. (Edwin Balasa)

vuukle comment

BAGONG ILOG ELEMENTARY SCHOOL

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

DR. SIXTO ANTONIO ELEMENTARY SCHOOL

EDWIN BALASA

KALAKHANG MAYNILA

ORANBO ELEMENTARY SCHOOL

PALATIW ELEMENTARY SCHOOL

PASIG CENTRAL ELEMENTARY SCHOOL

PASIG CITY

PHILSPORT ARENA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with