Chief of police namaril, 2 dedo
May 31, 2006 | 12:00am
Dalawang lalaki ang nasawi matapos itong pagbabarilin ng isang kagawad ng pulisya makaraang mapikon ito nang sitahin ng mga biktima habang nakikipag-inuman, kamakalawa ng gabi sa San Juan.
Agarang namatay sanhi ng tinamong mga tama ng bala ng 9mm pistol sa ulo at katawan ang mga biktimang sina Solomon Ebalo, 47; at Narciso Bautista, 40, kapwa residente ng Brgy. Salapan ng nabanggit na bayan.
Sumuko naman agad ang suspect na parak na nakilalang si SPO4 Rogelio Tamayosa, hepe ng pulisya sa Lubang, Occidental Mindoro ilang oras matapos ang insidente.
Ayon sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-10:45 ng gabi sa harap ng bahay ng suspect na kapitbahay lang ng mga biktima.
Nabatid na parehong nakikipag-inuman sa magkaibang grupo ang mga biktima at suspect na ilang metro lamang ang pagitan sa harap ng kanilang mga bahay.
Naingayan umano si Ebalo sa lakas ng boses ni Tamayosa kaya inutusan nito si Bautista na puntahan ang kabilang grupo at sawayin sa pag-iingay.
Napikon naman ang pulis sa ginawang paninita sa kanya ni Ebalo na nauwi sa mainitang pagtatalo.
Una umanong kumuha ng tubo at sumugod si Ebalo. Nakita naman ito ng parak kaya agad nitong kinuha ang kanyang service firearm na nakasukbit sa beywang at pinagbabaril ang dalawang biktima.
Matapos ang insidente, nagtangka pang tumakas ang suspect na parak ngunit hindi naglaon ay nakumbinsi ring sumuko na lamang ito.
Nabatid na lumuwas lang ng Maynila si Tamayosa dahil sa nagbigay ng pera sa kanyang pamilya para sa enrolment ng kanyang anak.
Binanggit na ipinagtanggol lamang niya ang kanyang sarili dahil papaluin siya ng tubo ng mga nakaaway.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am