^

Metro

Short time bawal na rin sa Maynila

-
Lumiliit na ang mundo ng mga mahihilig sa short time.

Matapos na ipagbawal ito sa Quezon City, mahigpit na rin itong ipagbabawal sa lungsod ng Maynila.

Ayon kay Councilor Greco Belgica, panahon pa upang bigyan ng ‘ngipin’ ang ordinansa sa Maynila na nagbabawal sa mga motel, lodge inn at iba pang katulad na establisimyento na magsagawa ng 3 hour policy o short time.

Nabatid na mahigit na sa 14 na taon na mayroong ganitong ordinansa na inakda ni dating Konsehal John Concepcion subalit patuloy pa rin ang paglabag na ginagawa ng mga may-ari ng motel at inns dito.

Bunsod nito kaya’t umaksyon ang lokal na pamahalaan at sundan ang ipinapatupad na ganitong kautusan sa Quezon City. Iginiit pa ng konsehal na napapansin lamang ang naturang ordinansa kapag ‘Araw ng Puso’ lamang at ang kawalan umano ng political will ang dahilan kaya’t hindi mahigpit na naipapatupad ang nasabing ordinansa tulad ng nangyayari sa ordinansa sa curfew sa mga kabataan.

Nadiskubre rin ni Belgica na dinadaya ng mga motel owners ang lokal na pamahalaan sa pagbabayad ng buwis dahil walang resibong iniisyu ang mga ito sa kanilang mga kostumer. (Gemma Amargo-Garcia)

ARAW

AYON

BELGICA

BUNSOD

COUNCILOR GRECO BELGICA

GEMMA AMARGO-GARCIA

KONSEHAL JOHN CONCEPCION

MAYNILA

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with