^

Metro

Chairman Fernando ‘berdugo’ – transport groups

-
Inakusahang berdugo at pahirap umano si MMDA Chairman Bayani Fernando ng mga tsuper at nagnanais lamang umano nitong mapataas ang kita ng ahensiya kung kaya kung anu-ano ang mga iniisip na paraan na pahirap naman sa kanila.

Ito ang naging reaksyon ng iba’t ibang transport groups matapos na palagan nila ang hakbangin ng MMDA na ipatupad ang "kamay na bakal" sa lahat ng mga pasaway na drivers at commuters.

Ayon sa mga driver na bago anya magpatupad ang MMDA ng ‘Martial Law’ sa lahat ng violator, unahin muna ng pamahalaan na resolbahan ang pagpapababa ng presyo ng produktong petrolyo.

Dahil ito anya ang nagbibigay pasakit sa hanay ng transportasyon .

Pinagdududahan ng Pinagkaisahang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) na ang hakbangin ni Fernando ay may basbas buhat sa Malacañang.

Bumaba umano ang kita ng ahensiya na nagmumula sa mga multa ng mga traffic violator kung kaya kung anu-anong programang ang ipinatutupad nito para mahuthutan ng multa ang mga driver. (Lordeth Bonilla)

AYON

BUMABA

CHAIRMAN BAYANI FERNANDO

DAHIL

FERNANDO

LORDETH BONILLA

MARTIAL LAW

OPERATORS NATIONWIDE

PINAGKAISAHANG SAMAHAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with