Yamashita Treasure sa PSBA, iinspeksiyunin ngayon
May 29, 2006 | 12:00am
Magsasagawa ngayon ng inspeksiyon ang pamunuan ng Quezon City Engineering Office hinggil sa iligal na paghuhukay ng Yamashita treasure sa loob ng Philippine School of Business Administration (PSBA) matapos na magsumite ng amended position paper sina Atty. Benjamin Paulino, PSBA President , Juan Lim, Vice President for Finance at Treasurer sa pamamagitan ng kanilang abogado na si Atty. Mario Macandog.
Lumilitaw na ang inspeksiyon ay bunga ng pagkakabasura ng motion na isinumite ng PSBA upang palabasin na walang pakialam ang QC Engineering Office dahil ang isyu ay "intra-corporate fight."
Subalit iginiit ng QC Engineering na ang isyu ay may kinalaman sa seguridad at kapakanan ng mga estudyante at ang pagkakaroon ng iligal na paghuhukay ng walang anumang permit mula sa QC government, Department of Environment and Natural Resources, Bureau of Mines at Department of Justice.
Bukod kay Rodrigo Manangan na tumayong supervisor sa illegal digging" nakatakda ding ituro ng pito pang saksi sa paghuhukay ang mga lugar sa loob ng compound ng kolehiyo kung saan sinimulan ang paghahanap sa Yamashita treasure.
Nabatid na nangangamba na ang iba pang establisimyento sa epekto ng hukay kung saan maging ang lupa ng business tycoon na si Lucio Tan ay naapektuhan.
Bunga nito, ipinasya ng ilang estudyante na lumipat na lamang ng paaralang kanilang papasukan sa posibleng sakunang idudulot ng paghuhukay. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am