1 dedo sa siksikan sa tayaan sa karerahan
May 28, 2006 | 12:00am
Isa ang patay makaraang magkaroon ng gitgitan na nauwi sa saksakan sa pila ng off track betting o sa tayaan ng karera ng kabayo, kamakalawa ng gabi sa Navotas.
Namatay noon din mismo sa pinangyarihan ng insidente sanhi ng maraming saksak sa ibat-ibang bahagi ng katawan si Bobby Tayag, 49, ng 168 Francisco St., Zone 25, Caloocan City.
Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-9:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa isang off track betting station sa Taganahan St., Bagong Bayan, Navotas,
Nabatid na kasalukuyang nakapila ang mga mananaya sa harapan ng teller sa nasabing OTBS nang magkaroon ng gitgitan.
Dahil dito, uminit ang ulo ng ibang mga mananaya at nagkaroon ng turuan kung sino ang nagsimula sa gitgitan at tulakan.
Sa gitna ng komosyon ay bigla na lamang umanong bumunot ng patalim ang isang naburyong na mananaya at inundayan ng sunud-sunod na saksak sa ibat-ibang parte ng katawan ang nakapila ring si Tayag.
Halos magkagutay-gutay ang katawan ng biktima nang tantanan ito ng suspect sa pananaksak na naging sanhi ng agaran niyang kamatayan.
Mabilis na tumakas ang suspect matapos ang isinagawang krimen.
Isang manhunt operation ang isinasagawa ng pulisya laban sa suspect. (Rose Tamayo Tesoro)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended