^

Metro

200 bahay tupok sa sunog

-
Tinatayang mahigit sa 400 pamilya ang nawalan ng tirahan makaraang masunog ang may 200 kabahayan sa isang squatters area sa Pasig City na ikinasugat din ng apat katao, kamakalawa.

Nakilala ang mga nasugatan na sina Mario Indiano, 42; Dia Mael, 23; Heidi Mungcal, 23; at ang fire volunteer na si James Lawig na nabagsakan ng kahoy habang inililigtas ang isang babaeng nakulong sa kanilang bahay.

Ayon kay Salvador Norberto Jr., ng Bureau of Fire Protection sa Pasig City nagsimula ang sunog dakong alas-4:30 ng hapon sa bahay ng isang Eliseo Goyon na matatagpuan sa kanto ng Caliwag at Esguerra Sts. sa Brgy. Pinagbuhatan ng nabanggit na lungsod.

Nabatid na bigla na lamang umanong pumutok ang kable ng kuryente sa loob ng bahay dahilan nang pagliliyab sa parteng kusina.

Dahil sa karamihan sa bahay na nakatirik sa nasabing lugar ay pawang gawa sa kahoy ay mabilis na kumalat ang apoy na ikinatupok ng halos 200 kabahayan.

Umabot ang alarma ng sunog sa Task Force Delta at idineklara itong under control dakong alas-6:35 ng gabi.

Umaabot naman sa P5 milyon ang naabong ari-arian sa naganap na sunog.

Pansamantalang inilikas ang mga biktima ng sunog sa isang basketball covered court sa nasabing barangay. (Edwin Balasa)

vuukle comment

BUREAU OF FIRE PROTECTION

DIA MAEL

EDWIN BALASA

ELISEO GOYON

ESGUERRA STS

HEIDI MUNGCAL

JAMES LAWIG

MARIO INDIANO

PASIG CITY

SALVADOR NORBERTO JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with