Preso tinambangan ng kaaway
May 27, 2006 | 12:00am
Nasa kritikal na kondisyon ngayon ang isang preso matapos na mabutas ang panga nito bunga ng tama ng bala ng baril habang nagpapagaling naman ang isang pulis Quezon City Police District-Anonas Police Station matapos na pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspect, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Hanggang sa ngayon ay inoobserbahan pa rin sa East Avenue Medical Center (EAMC) ang presong si Amer Sarip alyas Bert Omar, na residente ng no.426 Guevarra St., Montalban, Rizal habang nagtamo naman ng sugat si PO2 Joseph Gordovez mula sa bubog ng salamin ng mobile no. QC-24.
Ayon sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-6:35 sa panulukan ng East Avenue at Agham Road.
Lumalabas sa imbestigasyon pina-check-up ng mga pulis si Sarip sa nasabing ospital bago ilipat sa Warrant and Subpoena Unit sa Kamp Karingal, Sikatuna Village, QC matapos na maaresto bunga ng kaso sa Mindanao. Subalit nasa East Ave. at Agham Road na sila nang biglang dikitan ng motorsiklong lulan ng dalawang lalaki.
Si Sarip ay naaresto dalawang linggo ang nakararaan bunga ng kasong murder at multiple murder sa Lanao del Sur.
Dito ay agad na binaril ng dalawang suspect ng malapitan si Sarip habang nabasag naman ang salamin ng mobile na tumama kay Gordovez.
Bunga nito, napilitang gumanti ng putok si Gordovez subalit mabilis na nakasibad ang mga suspect.
Tinitignan naman ng mga awtoridad ang umanoy paghihiganti ng nakaaway na kapwa Muslim ni Sarip sa Mindanao. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am