^

Metro

Holdaper dedo sa shootout; 2 pa timbog

-
Patay ang isang holdaper na sinasabing miyembro ng ‘Ipit Taxi gang’ matapos na makipagpalitan ng putok ng baril sa mga tauhan ng Quezon City Police District-District Intelligence and Investigation Division (QCPD-DIID), habang dalawa pa ang naaresto sa isinagawang follow-up operation kahapon ng madaling-araw sa nabanggit na lungsod.

Dead on the spot ang isa sa mga suspect na nakilalang si Sergio Bagulan, ng Maligaya Park Subdivision, Fairview, Quezon City matapos na magtamo ng dalawang tama ng bala ng baril sa katawan.

Arestado naman sa isinagawang follow-up operation ang dalawang kasamahan nito na sina Michael Madrid, alyas Joel Perez, 25, na sinasabing lider ng ‘Ipit Taxi Gang’ at Jobnie Ones, 23.

Batay sa ginawang pagsisiyasat ng pulisya, naganap ang shootout dakong alas-4 ng madaling-araw sa tapat ng Robinson’s Place sa Novaliches.

Nabatid na matagal nang minamanmanan ng mga awtoridad ang kilos ng mga suspect hanggang sa maaktuhan nila ang mga ito na nambibiktima sa isang pampasaherong jeep sa kahabaan ng Commonwealth Avenue.

Napansin naman ni Bagulan ang presensiya ng mga awtoridad kung kaya’t bigla itong nagpaputok ng baril dahilan naman upang gumanti ng putok ang mga awtoridad.

Nakuha sa nasawing suspect ang isang caliber .22 at wallet na naglalaman ng P2,200. (Doris Franche)

COMMONWEALTH AVENUE

DORIS FRANCHE

IPIT TAXI

IPIT TAXI GANG

JOBNIE ONES

JOEL PEREZ

MALIGAYA PARK SUBDIVISION

MICHAEL MADRID

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with