^

Metro

Killer ng NBI agent, timbog

-
Matapos ang 14-taon pagtatago, naaresto na rin ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pangunahing suspect ng pagpatay sa isa nilang ahente sa isinagawang operasyon sa Caloocan City, kamakailan.

Nakilala ang suspect na si Joselito Velasco, alyas Tisoy, 41, ng Centro St., 9th Avenue, Caloocan City. Si Velasco ang itinuturong siyang bumaril at nakapatay sa NBI agent na si Danilo Pago noong 1992.

Ayon sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang NBI tungkol sa pinagtataguan ni Velasco sa Caloocan City. Nabatid buhat sa kanilang asset na narinig nitong ipinagmalaki ng suspect sa isang inuman na isa siyang ‘untouchable’ at nakapatay na siya ng isang ahente ng NBI.

Dahil dito, agad na inihanda ang raid sa lungga ng suspect base na rin sa ipinalabas na warrant of arrest ni Antipolo Regional Trial Court Judge Pablito Rojas na nagresulta sa pagkakaaresto kay Velasco sa loob ng bahay nito.

Inamin naman ni Velasco ang ginawang pagpaslang sa ahenteng si Pago. Sinabi nito na kanilang hinoldap ang biktima sa loob ng isang taxi ngunit nanlaban ito kung saan nabaril pa nito ang isa nilang kasamahan.

Isa umano sa kanila ang gumanti ng putok kung saan tinamaan si Pago sa ulo na naging sanhi ng kamatayan nito.

Matapos limasin ang pera, alahas at NBI badge at ID nito, iniwan nila ang bangkay ni Pago sa loob ng taxi sa tapat ng Finance Building sa Maynila.

Patuloy namang pinaghahanap ng NBI ang iba pang kasamahan ni Velasco. (Danilo Garcia)

ANTIPOLO REGIONAL TRIAL COURT JUDGE PABLITO ROJAS

CALOOCAN CITY

CENTRO ST.

DANILO GARCIA

DANILO PAGO

FINANCE BUILDING

JOSELITO VELASCO

MATAPOS

PAGO

VELASCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with