^

Metro

"Not guilty" – Juday

-
Nagpahayag ng "not guilty plea" ang aktres na si Judy Ann Santos nang basahan siya ng sakdal kahapon kaugnay sa kasong tax evasion na kinakaharap niya sa Court of Tax Appeal (CTA) sa Quezon City.

Si Juday ay sinamahan ng kanyang kuya na si Jeffrey Santos at ng kanyang bagong abugado na si Atty. Michael Ancheta nang dumalo sa naturang arraignment.

Ipinasya naman ni Judge Ernesto Acosta ng CTA na dinggin ang naturang usapin sa Hulyo 22 ng taong ito matapos magharap ng motion for reconsideration ang kampo ni Juday hinggil sa kanyang kaso.

Ang kasong tax evasion ng aktres ay nag-ugat nang madiskubre ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na hindi nito naideklara ang tamang kinita noong taong 2002.

Nalaman ng BIR na umaabot sa mahigit sa P16 na milyon ang kinita ni Judy Ann Santos noong 2002 sa kabila ng pagdedeklara lamang nito ng mahigit sa P8 milyon. Dahil dito, ayon sa BIR may mahigit sa P2 milyon ang tax deficiency o hindi nabayarang buwis ng aktres. (Angie dela Cruz)

ANGIE

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

COURT OF TAX APPEAL

CRUZ

JEFFREY SANTOS

JUDGE ERNESTO ACOSTA

JUDY ANN SANTOS

MICHAEL ANCHETA

QUEZON CITY

SI JUDAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with