^

Metro

Waiter chinapchop ng samurai ng mag-utol

-
Nagkahiwa-hiwalay ang ilang parte ng katawan at nabitak ang bungo ng isang 25-anyos na head waiter ng Manila Hotel makaraang pagtatagpasin ito ng samurai ng magkapatid na suspect nang ipagtanggol ng una ang kanyang nakababatang kapatid na dalaga na sinuntok at pinakitaan ng ari ng isa sa mga suspect, kamakalawa ng gabi sa bayan ng Navotas.

Namatay noon din ang biktimang si Ronaldo Mendoza, residente ng Block 49-H, Lot 4, Alupihan St., Brgy. Longos, Malabon City makaraang matagpas ang kaliwang braso at mga daliri nito, bukod pa sa pagkabitak ng kanyang ulo at tinamong malulubhang sugat sa iba’t ibang parte ng katawan buhat sa samurai.

Agad namang nadakma ng mga nagrespondeng pulis at barangay tanod ang magkapatid na suspect na sina Noel, 32; at Andres Core, 38, kapwa ng stay-in laborer ng WCF Trading na matatagpuan sa 39 Kalakal Ext., Brgy. San Rafael Village, Navotas.

Batay sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-7:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng compound ng WCF Trading.

Nabatid na pinuntahan umano ng biktima ang magkapatid sa loob ng nasabing compound upang komprontahin sa ginawang pagpapakita ng ari at panununtok ni Noel sa sikmura sa kapatid ng una na si Margareth.

Hindi pa man halos umano nakapagsalita ang biktima ay agad na itinulak ni Noel ang biktima dahilan upang masubsob ito.

Hindi pa man nakakabangon ang biktima ay pinagtulungan na ng magkapatid pagtatagain ito ng samurai.

Ang insidente ang nasaksihan mismo ni Margareth na kasama ng kanyang kuya ng sandaling iyon. Mabilis namang nakatakbo si Margareth at nakahingi ng tulong at doon agad na nadakip ang magkapatid na suspect. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

ALUPIHAN ST.

ANDRES CORE

BRGY

KALAKAL EXT

MALABON CITY

MANILA HOTEL

MARGARETH

NAVOTAS

RONALDO MENDOZA

ROSE TAMAYO-TESORO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with