^

Metro

Tensyon sa Bonifacio, humupa na

-
Humupa na ang matinding tensyon sa Bonifacio Naval Station sa Fort Bonifacio, Taguig City na muntik ng maging sanhi nang pagdanak ng dugo, makaraang tuluyan nang abandonahin ng 56 retiradong Navy officers ang inookupahan nilang pabahay noong sila ay nasa serbisyo pa.

Ayon kay Captain Geronimo Malabanan, tagapagsalita ng Phil. Navy (PN), dakong alas-12:30 kamakalawa ng tanghali nang tuluyang lisanin ng mga retiradong opisyal ang nabanggit na lugar.

Nabatid na matinding tensyon ang naganap noong Sabado matapos na magpalabas ng kautusan ang pamunuan ng PN na dapat na iwanan na ng 56 ret. Navy officers ang pabahay na benipisyo sa kanila.

Dahil wala na sila sa serbisyo at over-staying sila dito, dapat anya umalis na sila sa naturang pabahay at bigyan naman ng pagkakataon ang mga bagong opisyal na nasa serbisyo pa.

Ngunit pumalag ang mga retiradong opisyal kung kaya’t nagresulta ito sa matinding tensyon na muntik ng maging sanhi ng pagdanak ng dugo. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AYON

BONIFACIO NAVAL STATION

CAPTAIN GERONIMO MALABANAN

DAHIL

FORT BONIFACIO

HUMUPA

LORDETH BONILLA

NABATID

NGUNIT

TAGUIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with