^

Metro

1 patay, 1 kritikal sa rambol

-
Isa ang nasawi, habang isa pa ang kritikal sa nangyaring rambulan, kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang nasawi na si Eliseo dela Merced, 54, residente ng #129 Almeda St., Tondo, habang kasalukuyan pang ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center si Roberto Senares, 24, ng Camarines St., Tondo.

Pinaghahanap naman ngayon ang dalawang suspect na nakilala lamang sa mga alyas na "Balanding" at "Pidoy".

Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-11:30 ng gabi nang mangyari ang insidente sa may panulukan ng F. Yuseco at Riverside, Tondo, Manila.

Kasalukuyan umanong naglalaro ng pool ang nabanggit na mga biktima nang dumating ang mga suspect at ginulo ang laro ng mga una.

Dahil dito ay nagkaroon ng rambulan na nauwi sa pananaksak ng mga suspect sa mga nabanggit na biktima.

Habang kapwa duguang humandusay ang mga biktima ay mabilis namang tumakas ang mga suspect dala ang mga ginamit na patalim. (Danilo Garcia)

vuukle comment

ALMEDA ST.

BALANDING

BATAY

CAMARINES ST.

DAHIL

DANILO GARCIA

ELISEO

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

ROBERTO SENARES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with