Sanggol nakita sa basurahan
May 21, 2006 | 12:00am
Pinaniniwalaang pinatay muna bago itinapon ang isang lalaking sanggol na isinilid sa isang bag at inihalo sa bunton ng basura, kamakalawa ng gabi sa Pasig City.
Dakong alas-8:45 ng gabi nang matagpuan ang bangkay ng sanggol na tinatayang nasa siyam na buwan sa tapat ng LA Townhomes , San Guilermo Avenue, Brgy. Buting, nabanggit na lungsod.
Nabatid na kasalukuyang naghahakot ng basura ang mga basurero nang biglang tumambad sa kanila ang patay na sanggol.
Agad namang ipinaalam ng mga basurero sa baranggay hall ang pagkakadiskubre ng mga ito sa patay na sanggol.
Ayon sa ilang saksi, bago ang pagkakatagpo sa patay na sanggol ay isang babae na may kahabaan ang buhok na nakasuot ng palda at puting blouse ang siyang nakitang may bitbit ng bag na itinapon sa basurahan.
Kasalukuyan ng isinasailalim sa autopsy ang nasabing sanggol, habang inaalam pa kung sino ang mga magulang nito na walang pusong gumawa ng nasabing krimen. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest