2 reporter wagi sa MPD badminton

Dalawang reporter ang nag-champion sa ginanap na 1st Manila Police District (MPD) badminton tournament, kamakalawa ng gabi.

Sina Zony Reyes Esguerra ng Radyo Veritas at Jake Guzman ng pahayagang Malaya ang tinanghal na mga champion sa mixed double category at mismong si MPD director P/CSupt. Pedro Bulaong ang nag-abot ng tropeo sa mga ito.

Sina Esguerra at Guzman ay naging pambato ng mga media na naka-beat sa MPD at kapwa tinalo ng mga ito ang mag-inang sina Grace at Jayjay Bernal ng Office of the District Director 2. (Mer Layson)

Show comments