^

Metro

16-anyos pumatay para kay nanay

- Edwin Balasa -
Patay ang isang 22-anyos na lalaki nang pagsasaksakin ito ng isang menor-de-edad makaraang ipagtanggol nito ang kanyang nanay na sinapak at itinulak ng una, kahapon ng madaling-araw sa Pasig City.

Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Pasig City General Hospital sanhi ng apat na saksak sa likurang bahagi ng katawan ang biktimang si Rolly Surro, residente ng 2981 Jenny’s Avenue Brgy. Rosario ng lungsod na ito.

Agad namang sumuko sa mga awtoridad ang 16-anyos na suspect na itinago sa pangalang Marvin, kapitbahay ng nasawi.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-2 ng madaling- araw sa kahabaan ng Jenny’s Avenue sa barangay na ito.

Nabatid na nagkaroon ng pagtatalo sa hindi pa mabatid na bagay ang nanay ng suspect at ang biktima na humantong sa mainitang pagtatalo.

Nasaksihan ni Marvin ang ginawang pagsapak at pagtulak ni Surro sa kanyang ina kung kaya agad itong pumasok sa kanilang bahay at kumuha ng patalim.

Sinugod ng binatilyo si Surro at apat na ulit itong pinagsasaksak sa likod.

Sa panayam naman sa suspect, sinabi nitong kaya lang nito nagawang saksakin si Surro ay upang ipagtanggol ang kanyang ina.

"Sinapak niya kasi ang nanay ko kaya ko siya sinaksak, mahal ko ang nanay ko at ayaw ko siyang makitang nasasaktan," pahayag pa ni Marvin.

Kasalukuyang inilagak sa pangangalaga ng DSWD ang suspect dahil sa ito ay menor- de-edad.

vuukle comment

AVENUE BRGY

KASALUKUYANG

MARVIN

NABATID

NAMATAY

NASAKSIHAN

PASIG CITY

PASIG CITY GENERAL HOSPITAL

ROLLY SURRO

SURRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with